P5,000 na donasyon ng mga empleyado ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo, fake news ayon sa DBM

P5,000 na donasyon ng mga empleyado ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo, fake news ayon sa DBM

Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga impormasyong kumakalat sa social media na magbibigay ng donasyon ang mga empleyado ng gobyerno na nasalanta ng bagyong Kristine.

Ayon sa DBM, walang katotohonan ang kumakalat na Facebook post hinggil sa pagdo-donate ng P5,000 cash gift ng mga government employee sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.

Sinabi ng ahensya na higit ding naapektuhan ang mga government personnel noong nagdaang bagyo, lalo na iyong mga nakatira sa mga lugar na lubhang nasalanta.

Ginagawa umano administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat upang matulungan ang mga kababayan na nasalanta at hindi ito magiging dahilan upang makompromiso ang nararapat para sa mga kawani ng gobyerno.

Pinayuhan din ng ng DBM ang publiko na maging maingat at maging mapanuri sa anumang nakikita sa social media. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *