Signal No. 2 nakataas sa ilang bahagi ng extreme Northern Luzon
Bumagal ang kilos ng Typhoon Marce habang nananatili sa Philippine Sea.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 335 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 170 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa sumusunod na mga lugar:
TCWS No. 2:
– eastern portion ng Babuyan islands (Camiguin Is., Babuyan Is., Calayan Is., and Fuga Is.)
– northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Aparri, Camalaniugan)
TCWS No. 1
– Batanes
– rest of Babuyan Islands
– rest of mainland Cagayan
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion of Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Atok, Bokod), – – Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
Ayon sa PAGASA, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na tatama ang bagyo sa kalupaan ng Babuyan Islands o sa northern portion ng mainland Cagayan sa pagitan ng Huwebes (Nov. 7) ng tanghali at Biyernes (Nov. 8) ng umaga.
Inaasahan ding lalakas pa ito ngayong araw.
Sa Biyernes ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo. (DDC)