Mga ipinagbabawal na paputok naglipana na sa merkado
Ikinabahala ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang maagang paglaganap sa merkado ng ng mga ipinagbabawal na paputok.
Sa isinagawang market monitoring ng BT Patrollers, kabilang da mga ibinebenta na na sa Divisoria, Maynila ang ipinagbabawal na Five Star at Piccolo.
Sa ilalim ng Republic Act 7183 kabilang ang dalawang uri ng paputok na ito sa ipinagbabawal na ibenta at gamitin.
Nanawagan ang BAN Toxics sa pamahalaan na ipagbawal na ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng paputok dahil delikado hindi lalo na sa mga bata.
Sa pahayag, partikular na nanawagan si Thony Dizon, BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer kay DILG Sec. Jonvic Remulla na suportahan ang “total ban” sa paputok.
Nanawagan din ang grupo sa mga local government units na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at paggamit ng paputok.
Sa pagsalubong sa taong 2024, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 609 na Fireworks-Related Injuries.
“We call on the Philippine National Police to conduct on-site monitoring and confiscation of illegal and prohibited firecrackers and to increase the visibility of police officers in strategic market hubs known for unregulated sales of firecrackers and fireworks,” ani Dizon. (DDC)