Prinsesa ng Brunei Darussalam bibisita sa Pilipinas
May nakatakdang working visit sa Pilipinas ang prinsesa ng Brunei Darussalam na si Princess Hajah Masna.
Si Princess Hajah Masna ang siya ring Ambassador-at-Large ng Ministry of Foreign Affairs of Brunei Darussalam ay bibisita sa bansa sa Nov. 4 hanggang 7.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisita sa bansa ng prinsesa ay bahagi ng selebrasyon ng ika-40 taon ng Philippines-Brunei Darussalam diplomatic relations.
Ayon sa DFA, ang dalawang bansa ay patuloy na nagtutulungan para sa mas matibay na bilateral cooperation, partikular sa larangan ng turismo, agrikultura, at defense.
Noong buwan ng Mayo nagkaroon ng state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei Darussalam kung saan nilagdaan ang kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa tourism cooperation, maritime cooperation, standards of training, at certification and watchkeeping ng seafarers. (DDC)