Ugnayan ng media at pulis, pinalakas ng NCRPO Chief

Ugnayan ng media at pulis, pinalakas ng NCRPO Chief

Pinalakas ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, Major General Sidney Hernia ang malapit na ugnayan sa pagitan ng mga mamamahayag,vloggers at pulis sa ginanap na Meet and Greet activity sa NCRPO Hinirang Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Nakiisa sa kaganapan ang mga District Directors at Public Information Officers ng limang distrito ng NCRPO, press corps, at vloggers mula sa PNP at civilian media outfits, kung saan nagkasundo ang lahat na palakasin ang ugnayan sa komunidad at transparency.

Nagpasalamat si MGen Hernia sa patuloy na partnership kung saan binigyan-diin ang mga kuwentong ibihagi ng media na direktang humulma sa imahe ng PNP sa publiko.

Aniya mahalaga ang ginagampanang papel ng mga istorya mula sa media para lumikha ng imahe para sa PNP.

“By sharing balanced, factual narratives about the dedication and integrity of our personnel, you help cultivate the public’s trust and confidence in the police force,” sbi ng NCRPO Chief.

Ang nangyaring pagtitipon ay nagpatibay sa pangako ng NCRPO na transparency na magbibigay ng inspirasyon upang isulong ang tiwala, integridad at kumpiyansa ng publiko sa pagpptupad ng ating batas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *