5 foreign nationals na-rescue ng NCRPO
Matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office’s Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOG) ang limang Chinese nationals na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking at naaresto ang isang Chinese suspect, sa ikinasang operasyon sa isang condominium sa Sta. Monica Street, Ermita, Manila.
Kinilala ang naarestong suspek na si Qiu Tian, 23-anyos, isang Chinese national.
Nagsagawa ang otoridad ng rescue mission kasunod ng reklamo ng complainant na ang kanyang partner na si Peng Xiao, 31-anyos, ay sinasabing ikinulong,sinkan umano at sapilitang pinagtrabaho sa hinihinalang scam operation.
Mabilis na napasok ng NCRPO operatives sa suporta ng guwardiya ng gusali at opisyales ng barangay ang Unit 3214 sa ika-32 palapag kung saan natagpuan nila si Peng Xiao kasama ang apat pang biktima na kinilalang sina Wang Saixia, 39; Yang Longtao, 29; Ning Guobin, 32; at Kang Lei, 35.
Kinakitaan umano ng senyales ng distress at pisikal na pang-aabuso ang mga biktima habang sa surveillance naman namataan si Qiu Tian sa double-decker bed.
Nagsasagawa ang otoridad ng immigration verification sa Bureau of Immigration.
“The NCRPO is fully committed to fighting human trafficking and ensuring rapid, coordinated actions to safeguard vulnerable individuals. This operation is a significant step in delivering justice for victims and bringing perpetrators to account,” sabi ni NCRPO Acting Regional Director MGen Sidney Hernia. ( Bhelle Gamboa)