NAIA Terminal 3 apektado ng 16 na oras na water service interruption ng Maynilad

NAIA Terminal 3 apektado ng 16 na oras na water service interruption ng Maynilad

Apektado ng water service interruption ng Maynilad ang Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC)
ang labinganim na oras na interruption ay simula alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes (Nov. 1) hanggang 6:00 ng umaga ng Sabado, (Nov. 2).

Ito ay dahil sa maintenance at repair activities ng Maynilad sa Putatan Treatment Plant.

Sa kabila nito, tiniyak ng NNIC sa mga pasahero at stakeholders sa NAIA Terminal 3 na pinaghandaan ang naturang interruption.

Ayon sa NNIC, gagamitin ang water reserves sa mga water tanks sa NAIA Terminal 3 na mayroong combined capacity na 3.2 million liters.
Tutulong din ang Maynilad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng water trucks para punan ang mga tangke.

Maglalagay din ng water containers sa mga restrooms sa terminal at mayroong water trucks na naka-standby para mag-refill ng tubig sa mga restroom. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *