Halaga ng pinsala ng bagyong Kristine sa agrikultura umabot na sa P3.76B

Halaga ng pinsala ng bagyong Kristine sa agrikultura umabot na sa P3.76B

Umabot na sa P3.76 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Kristine sa agrikultura.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA) DRRM Operations Center, 0mahigit 169,000 metric tons ng pananim ang nasira dahil sa bagyo.

Kabilang dito ang mga pananim na palay, mais at high value crops.

Sinabi ng DA na umabot sa mahigit 87,000 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Bilang tulong sa mga magsasaka, maglalaan ang DA ng P541.02 million na halaga ng agriculture inputs.

Mayroon ding nakahanda na P1 billion na halaga ng Quick Response Fund para sa rehabilitasyon at recovery sa mga apektadong lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *