64 na Volcanic Earthquake naitala sa Mt. Kanlaon
Nakapagtala ng 64 na volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 31.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang mga pagyanig simula alas 12:00 ng madaling araw na mayroong magnitude na 0.9 hanggang 2.9.
Noong Miyerkules, Oct. 30, umabot sa 7,087 tonnes per day ang average ng sulfur dioxide mula sa bulkan.
Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Mt. Kanlaon.
Ayon sa Phivolcs ang kasalukuyang aktibidad nito ay maaaring magbunsod sa eruptive unrest at pagtataas ng alerto ng bulkan.
Pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan. (DDC)