Bagyong Leon humina bilang Typhoon; Signal No. 3 nakataas sa Batanes
Bahagyang humina ang bagyong Leon at bumalik sa typhoon category mula sa pagiging Super Typhoon.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 155 kilometers North ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong pa-hilaga.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa sumusunod na mga lugar:
TCWS No. 3
– Batanes
TCWS No. 2
– Babuyan Islands
TCWS No. 1
– Mainland Cagayan
– Isabela
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion of Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias)
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Leon ay inaasahang tatama sa kalupaan ng eastern coast ng Taiwan ngayong tanghali.
Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas (Nov. 1) ng umaga. (DDC)