Coast Guard patuloy ang search and rescue operations sa nawawalang cargo vessel na may lulang 10 crew
Patuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nawawalang barko na may lulang sampung crew sa Paluan, Occidental Mindoro.
Bineberipika na din ng PCG ang mga ulat na may nakitang mga palutang-lutang na kalabaw, katawan ng tao at iba pang gamit sa katubigan ng Paluan.
Ang cargo vessel na MV Sta. Monica-A1 ay iniulat na nawawala simula pa noong Oct. 27, 2024.
Ang MV Sta. Monica-A1 na pag-aari ng Synergy Sea Venture Inc., ay umalis sa Sta. Cruz Port, Taytay, Palawan noong Oct. 22.
Hindi na ma-contact ang 10 crew nito kabilang ang kapitan ng barko.
Noong Oct. 27, ilang mangingisda mula sa mga barangay sa Mamburao, Occidental Mindoro, ang nag-report sa PCG na mayroon silang natagpuang 10 empty LPG tanks habang sila ay nangingisda.
Sa Barangay Marikit sa bayan naman ng Paluan may mga residenteng nagsabi na nakakita sila ng dalawang bangkay at mga patay na kalabaw sa katubigan.
Mayroon ding na-recover na lige jacket sa karagatan ng Paluan na mayroong nakasulat na “MV STA MONICA-A1” at dalawang life.
Gamit ang PCG-251 Islander nagsagawa ang Coast Guard ng aerial search sa karagatan ng North East El Nido at Mamburao, Mindoro.
Patuloy din ang coastal at seaborne patrols para mahanap ang nawawalang barko.