Bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine umakyat na sa 150 – NDRRMC
Umabot na sa 150 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon ding 115 na nasugatan at 29 pa ang iniulat na nawawala.
Sinabi ng NDRRMC na nakapagtala ng mahigit 7.4 million na katao o katumbas ng mahigit 1.8 million na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.
Sa nasabing bilang, mayroon pang 760,000 na inilikas at mahigit 330,000 sa kanila ang nananatili sa mga evacuation center.
Umabot sa 927 na lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa. (DDC)