P306K na halaga ng shabu nakumpiska, 2 arestado sa Parañaque City
Nadakip ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek at nakumpiska ang ₱306,000.00 na halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Antonio sa nasabing lungsod.
Ang suspek ay kinilalang sina alyas Marty,54-anyos; at alyas Emelyn,30-anyos.
Narekober sa mga suspek ang 45 gramo ng hinihinalang shabu; buy-bust money, coin purse, at cellphone.
Dinala ang ebidensiya sa PNP Southern Police District Forensic Unit para sa analysis.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa dalawang suspek. (Bhelle Gamboa)