DOH pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook page gamit ang PGH at dating DOH Usec.

DOH pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook page gamit ang PGH at dating DOH Usec.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa pekeng Facebook page na ginagamit ang pangalan ng Philippine General Hospital (PGH) at ang pangalan ni dating Health Undersecretary Dr. Enrique A. Tayag.

Ang nasabing Facebook page ay nagpo-promote ng pamamaraan para sa malinis na “blood vessels” upang mapagaling umano ang hypertension at iba pang incurable diseases.

Ayon sa DOH, peke ang nasabing Facebook page at walang kaugnayan kay Dr. Tayag, sa UP-PGH at sa DOH.

Nai-report na din ng DOH ang link ng nasabing page sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maaksyunan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *