Seguridad sa Undas 2024 sa katimugang Metro Manila pinaigting ng SPD

Seguridad sa Undas 2024 sa katimugang Metro Manila pinaigting ng SPD

Ilang araw bago ang “All Saints’ Day” at “All Souls’ Day”, pinaigting ng Southern Police District (SPD) ang pagpapatupad ng seguridad upang tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan at kaayusan sa gaganaping paggugunita.

Sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita na magtutungo sa mga sementeryo at columbaria, nakipag-ugnayan na ang SPD sa lokal na otoridad, government units, at volunteers para siguruhing ligtas ang Southern Metro Manila.

Asahan na rin ang matinding trapik sa palibot ng mga sementeryo at iba pang lugar na pinupuntahan ng tao kung kay gumagawa na ng hakbang ang SPD upang maibsan ang epekto nito at mabawasan ang banta ng mangyayaring aksidente.

Nasa kabuuang 2,627 personnel ang idedeploy ng SPD sa 26 na sementeryo, 20 columbaria, key border points, at major transport hubs tulad ng bus terminals, MRT/LRT stations, at airports na nasa kanyang nasasakupang lugar.

Kabilang sa security measures ang checkpoints, anti-crime operations, foot and mobile patrols, tactical motorcycle units, at quick response team mula sa SWAT at EOD-K9 units. Mayroong medical teams din na nakaantabay upang magbigay ng agarang umasiste kung kinakailangan.

“Public safety is our top priority,” said SPD District Director PBGen Bernard R Yang. “We encourage everyone to remain alert and report any suspicious activities to the nearest police station or assistance desk. By working together, we can ensure a peaceful and safe Undas celebration,” ayon kay SPD District Director, BGen Bernard Yang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *