BuCor Sunken Garden magsisilbing sports hub ng bansa

BuCor Sunken Garden magsisilbing sports hub ng bansa

Nagtulong ang Bureau of Corrections at Muntinlupa City government sa mahalagang pagtransporma sa lungsod upang gawin itong isa sa sentro ng masiglang sports hub sa bansa.

Ginarantiya ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na ang kanyang pangarap n gawin ang lungsod na isa sa mga sports hubs sa bansa ay magkakatotoo sa pangako nitong gagamitin ang Bucor Sunken Garden bilang sports facility at permanenteng training ground para sa mga mahihilig sa football.

Inihayag ito ni Catapang Jr. sa kasagsagan ng pagbubukas ng Football Festival Exhibition Game na tampok ang persons deprived of liberty (PDL) players mula sa New Bilibid Prison (NBP)-Minimum Security Camp, na ginanap sa Sunken Garden ng NBP compound sa Muntinlupa City kahapon.

Ang Football Festival ay inorganisa ni Football Club Bilibid (FCB) manager, Rafael Misa at ito ay parte pa rin sa selebrasyon ng BuCor sa National Correctional Consciousness Week.

“This is not merely a promise but a concrete step towards fulfilling the vision of Mayor Biazon and to show the agency’s support in promoting healthy activities and providing opportunities for talent cultivation in the city,” sabi Catapang.

Binigyang diin ng BuCor chief ang kahalagahan ng sports sa edukasyon at pag-uugali kung saan ang pagtatatag ng sports facilities ay makalilikha ng isang plataporma na nagsusulong na mapabilang sa lipunan at komunidad.

Nangako rin si Biazon na magpapatayo siya ng maraming sports facilities sa lungsod lalo na aniya na importante ito sa pag-unlad ng mga bata na magpapabuti sa kanilang pakikisalamuha sa kapwa at isulong ang sportsmanship.

Ayon kay Misa, binuo ang FCB upang tulungan ang mga batang makakuha ng college scholarships sa pamamagitan ng football at sa ngayon aniya may produkto na silang tatlong iskolar mula sa San Beda College, tatlo rin sa University of Perpetual, isa sa Far Eastern University at ang organisasyon ng football ladies team ng Muntinlupa High School na nagwagi sa ibang HS na kumatawan sa National Capital Region sa katatapos lamang na Palarong Pambansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *