4.5 kilo ng shabu at cocaine nakumpiska sa Taguig anti-drug ops

4.5 kilo ng shabu at cocaine nakumpiska sa Taguig anti-drug ops

Tinatayang 4.5 kilo ng hinihinalang shabu at cocaine ang nakumpiska ng otoridad at naaresto ang isang high-value drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Western Bicutan Taguig City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) District Director, BGen Bernard Yang ang suspek na si alyas Jhovel, 34-anyos, isang High Value Individual (HVI) sa drug watchlist ng pulisya.

Nakumpiska sa suspek ang 4.5 kilo ng umano’y shabu na naghahalaga ng ₱30.6- milyon at 6.9 gramo ng hinihinalang cocaine na may halagang ₱36,570.

Pinuri ni BGen Yang ang matagumpay na operasyon ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-SPD) sa pakikipagtulungan ng District Intelligence Division (DID-SPD), District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), Sub-Station 2 ng Taguig City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency Special District Office (PDEA SDO).

“This operation highlights our commitment to maintaining safe, drug-free communities. The dedication and teamwork of our law enforcement units are crucial in dismantling illegal drug networks. We will continue these efforts to protect our neighborhoods from the threat of dangerous drugs,” sabi ng SPD chief.

Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, sa ilalim ng Article II ng RA 9165 laban sa naarestong suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *