Class at government work suspension sa Luzon mula Oct. 28 hanggang 31, peke ayon sa Malakanyang
Hindi totoo ang mga ipinakakalat na impormasyon na suspendido ang klase at trabaho sa gobyerno mula Oct. 28 hanggang Oct. 31 sa buong Luzon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) at Office of the Executive Secretary walang inilalabas na anunsyo ang Malakanyang sa suspensyon ng klase at trabaho sa nasabing mga petsa.
Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na bantayan lamang ang opisyal na aunsyon mula sa official government pages.
Mas mainam din na bantayan at palagiang i-check ang anunsyo ng LGUs kung magkakaroon ng localized suspension. (DDC)