4,800 na katao nahatiran ng tulong sa emergency relief operations gamit ang dalawang Presidential Chopper
Umabot sa 4,800 na katao ang nahatiran ng relief supplies sa isinagawang emergency relief operations gamit ang dalawang Presidential Chopper noong Sabado, Oct. 27.
Lumipad ang dalawang Bell 412 VVIP Helicopters at 1 Blackhawk Helicopter para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Ayon sa Ppresidential Communications Office (PCO), dala ng mga chopper ang 180 na sako ng assorted goods at 68 kaho ng assorted goods.
Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sisiguruhin ng pamahalaan ang mabilis na pagbangon ng mga hinagupit ng bagyong Kristine.
Ayon sa pangulo gagamitin ang lahat ng assets ng pamahalaan para mabilis na maihatid ang kinakailangang tulong. (DDC)