Bagyong Kristine lalabas na ng bansa anumang oras; Tropical Cyclone Wind Signal nakataas pa rin sa maraming lugar sa bansa

Bagyong Kristine lalabas na ng bansa anumang oras; Tropical Cyclone Wind Signal nakataas pa rin sa maraming lugar sa bansa

Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Kristine.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 255 kilometers West Northwest ng Bacnotan, La Union.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa mga sumusunod na lugar:

– northwestern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Abulug, Pamplona)
– Babuyan Islands
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Pampanga
– Zambales
– – northern portion of Bataan (Morong, Hermosa, Dinalupihan, Bagac, Orani, Samal, Abucay, City of Balanga)

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– mainland Cagayan
– Isabela
– Quirino
– Aurora
– Bulacan,
– Bataan
– Metro Manila
– Cavite
– Batangas
– Laguna
– Rizal
– Quezon
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, San Vicente, Dumaran, Araceli) kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands
– Camarines Norte,
– Camarines Sur
– Burias Island
– northern portion of Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay)
– northern portion of Antique (Libertad, Pandan) including Caluya Islands

Ayon sa PAGASA anumang oras ay lalabas na ng bansa ang bagyong Kristine at magtutungo sa bahagi ng West Philippine Sea.

Posible itong bumalik sa bansa sa araw ng Linggo o Lunes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *