10 Pinoy crewmen ng M/V Minoan Courage nakauwi na sa bansa
Sampung Pilipinong crew ng M/V Minoan Courage ang ligtas na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City sakay ng Etihad Airways Flight 424 kahapon.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ito ang huling batch ng repatriated crew members buhat sa 21 Pinoy seaman na sakay ng Greek bulker na pinuntirya ng rebeldeng Houthi sa Red Sea noong Oktubre 1,2024.
Unang dumating sa bansa nitong Oktubre 9 at 13 ang 11 Pinoy seafarers ng naturang barko.
Ligtas na napauwi ang Pinoy crew ng barko sa pagtutulungan ng DMW at OWWA sa koordinasyon ng kanilang licensed manning agencies at may-ari ng barko.
Nabatid na inayos din ng concerned manning agency ang hotel accommodations para sa mga umuwing seaman habang naghihintay ng kanilang iskedyul sa psychiatric evaluations. Lahat ng nabanggit na Pinoy crew ng barko ay makatatanggap ng kaukulang assistance o tulong mula sa DMW AKSYON Fund at OWWA.
Sinalubong sila nina DMW Seabased Accreditation Bureau Director Augusto San Diego III, OWWA Director Falconi Millar, at kinatawan ng manning agency. (Bhelle Gamboa)