500 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Zamboanga

500 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Zamboanga

Panibagong batch na 500 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang ligtas na nailipat sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.

Inihayag ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa mga inilipat na PDLs, 147 rito ay mula sa Maximum Security Camp, 153 sa Medium Security Camp at 200 naman buhat sa Reception and Diagnostic Center.

Aniya ang inilipat na PDLs ay iniskortan ng 150 Corretions Officers na binubuo ng BUCOR SWAT, ESCORT Team, Medical Personnel at umalalay din ang Philippine National Police Patrol at Armed Forces of the Philippines.

Ang hakbang na ito ng BuCor ay bahagi pa rin sa pagpapaluwag sa NBP at paghahanda sa pagsasara ng correction facility sa 2028.

Samantala,sinabi pa ni Catapang na nagsagawa ang Iwahig Prison and Penal Farm ng groundbreaking ceremony para sa konstruksiyon ng bagong pasilidad para sa Correctional Institute for Women na nagkakahalaga ng P272.1 million na kayang tanggapin ang nasa 500 PDLs.

Ang naturang state-of-the-art facility ay kinatatampukan ng dalawang palapag na Type ‘B’ Dormitory Building na dinisenyo para sa sampung (10) PDLs bawat selda.Nabatid na ang pasilidad na ito ay mayroong main perimeter concrete fence,kumpleto sa catwalks, stairs, post towers, at individual comfort rooms.Bukod pa rito ang kasamang mga probisyon para sa main sliding steel gate, secondary perimeter fence at solar light.

Sinabi pa ni Catapang na ang konstruksiyon ng bagong pasiludad ay isang hakbang sa pagsusulong ng mas makatao at epektibong criminal justice system sa bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *