Pangulong Marcos pinakilos ang buong hanay ng PNP at AFP para sa relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

Pangulong Marcos pinakilos ang buong hanay ng PNP at AFP para sa relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

Pinakilos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng tauhan at gamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang Presidential choppers para sa relief operations sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ayon kay Pangulong Marcos, full mobilization din ang iba pang uniformed agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng pangulo na iniutos niya ang pag-deploy ng ng mga sasakyan, aircraft, boats, ships at iba pang transportation assets.

“I make this pledge to our people: Help is on the way. It will come by land, air, and, even by sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinakansela na ni Pangulong Marcos ang lahat ng uri ng leave maliban na lamang kung medical reasons at humanitarian justifications.

Pinatutulong na rin ni Pangulong Marcos ang AFP at PNP medical corps relief effort bilang mga frontline personnel. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *