Suplay ng kuryente sa maraming lugar sa Pangasinan, batangas at CamSur hindi pa naibabalik

Suplay ng kuryente sa maraming lugar sa Pangasinan, batangas at CamSur hindi pa naibabalik

Maraming lugar pa sa Pangasinan, Batangas at Camarines Sur ang wala pa ring kuryente.

Ayon sa update mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), partially restored pa lamang ang kuryente sa Pangasinan na sineserbisyuhan ng CENPELCO at PANELCO I.

Partially restored din ang kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng BATELEC II sa Batangas at ng CASURECO III sa Camarines Sur.

Normal naman na ang suplay ng kuryente sa mga lugar sa Nueva Ecija na sineserbisyuhan ng TARELCO at sa Tarlac na sineserbisyuhan ng TARELCO I.

Ayon sa NGCP, mayroong 1,088 na tauhan nila ang naka-deploy at patuloy na isinasaayos ang mga nasirang linya ng kuryente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *