7 Vietnamese nationals na biktima ng ‘human trafficking’ nailigtas sa Pasay; Chinese suspect arestado

7 Vietnamese nationals na biktima ng ‘human trafficking’ nailigtas sa Pasay; Chinese suspect arestado

Nailigtas ng mga otoridad sa pangunguna ng National Capital Region Police Office (NCRPO) – Regional Special Operations Group (RSOG) ang pitong Vietnamese nationals mula sa umano’y human trafficking operation sa Barangay 86, Pasay City.

Kasama ng RSOG ang mg operatiba ng RID-NCRPO, Pasay City Social Welfare and Development Department, Inter-Agency Council Against Trafficking – Department of Justice (IACAT-DOJ), Women and Children Protection Center (WCPC), Regional Mobile Force Battalion – NCRPO, at Pasay City Police Station – SPD sa ikinasang rescue operation kasunod ng report mula sa isang concerned citizen na ilang babaeng Vietnamese ang isinasadlak umano sa prostitusyon ng suspek na kinilalang si Zhao Xing sa pamamagitan ng online at face-to-face, na pangunahing parokyano ang POGO operators.

Ang matagumpay na police operation ay nagresulta sa pagkakaligtas ng pitong Vietnamese nationals at pagkaaresto ng naturang Chinese suspect.

Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) na naglalayong wakasan ang human trafficking lalo na sa kababaihan at bata.

Pinuri ni NCRPO Chief MGen Sidney Hernia ang tagumpay na kolaborasyon sa pagitan ng NCRPO at partner agencies sa pagsagip sa mga biktima atpagkaaresto sa suspek.

Binigyang-diin nito na ang naturang operasyon ay sumasalamin sa paninindigan ng NCRPO na labanan ang human trafficking at protektahan ang mga bulnerableng mamamayan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *