Bagong hospital facility sa Bilibid para sa PDLs at BuCor personnel pinasinayaan

Bagong hospital facility sa Bilibid para sa PDLs at BuCor personnel pinasinayaan

Pinangunahan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang iba pang opisyal sa inagurasyon ng 120-bed capacity hospital facility sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) compound sa Muntinlupa City.

Ayon kay Catapang ang nasabing medical center ay mahalaga para sa mga serbisyong alagang pangkalusugan sa loob ng piitang pasilid at maghahatid ng benepisyo sa buhay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at BuCor personnel sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga importanteng healthcare services.

“This is a tangible proof that BuCor aims to ensure that quality healthcare remains a fundamental right for all regardless of their circumstance and ensures that patients receive comprehensive care without the need for frequent referrals to external medical centers,” idinagdag ni Catapang.

Sinabi naman ni Bucor Acting Deputy Director for Reformation Dra. Ma. Cecilia Villanueva na ang bagong pasilidad na ito ay magsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng healthcare access para sa mas malawak na pangangailangang medikal magmula sa medical at surgical cases hanggang sa dermatological conditions, end-stage renal diseases, tuberculosis, emergency hypertension, at cardio-related cases, kung saan ang pasilidad ay kayang-kayang tugunan ang maraming isyung pangkalusugan.

“While the new hospital facility can address a broad array of medical conditions, complex cases requiring specialized treatments or procedures are seamlessly referred to external healthcare institutions,” pahayag ni Villanueva.

Binigyang-diin ni Catapang na ang Phase 1 ng gusali ay nagkakahalaga ng P187.2 million na sinimulan noong August 2019 at matagumpay na natapos noong April 2023 samantalang umabot sa halagang P140-million ang Phase 2 ng proyekto na inumpisahan noong March 2020 at nagpapatuloy sa kasalukuyan ang konstruksiyon nito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *