Trabaho para sa dating PDLs tiniyak ng BuCor

Trabaho para sa dating PDLs tiniyak ng BuCor

Isang kasunduan ang pinagtibay ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagitan ng isang business company upang bigyan ng trabaho ang mga dating persons deprived of liberty (PDL) bilang hakbang para sa epektibong panunumbalik nila sa lipunan at makatulong tungo sa positibong pananaw para sa mga lumayang PDLs.

Pinirmahan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang kasunduan kasama si BP One Foods Inc. president, Antonio Sebastian Escalante, para sa mga oportunidad na trabaho sa mga dating PDLs. Ito ay mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng BuCor sa National Correctional Consciousness Week simula kahapon.

Sa ilalim ng kasunduan, ang BUCOR sa ilalim ng Directorate for External Relations (DER) ang may responssable sa pagpapatupad ng Pre-release and Post-release Reintegration Programs sa mga dating PDL kabilang ang tiyak na suporta mula sa pamolya at komunidad bago ang panahon ng kanilang paglaya at seguridad ng pagtanggap mula sa kanilang mahal sa buhay at pamayanan bago sila lumaya.

Kasama sa DER’s Program ang pagpapadala ng Referral Letters sa Government Organizations (GO), Non-Governmental Organizations (NGOs), Civil Society Organizations (CSO), at private institutions o sectors upang humingi ng pag-asiste sa larangan ng empleyo o trabaho, mga programang pangkabuhayan, suportang medikal at pinansiyal na tulong para sa mga lumayang kliyente. Ang programang ito ay para sa buong paglalapit upang imonitor ang kabuuang kapakanan ng mga lumayang PDLs kabilang ang kanilang reintegrasyon sa kanilang pamilya at komunidad.

Palalawakin ng BP One Foods Inc., ang brand nito sa Metro at maghahatid ng dekalidad na mga products sa mamamayan habang lumilikha naman ito ng kayang sumabay na mga oportunidad sa trabaho at kompensasyon.

Layunin ng kumpanya na magbigay ng oportunidad sa trabaho habang magbubukas ito ng mas malawak na mga posisyon upang tumanggap ng mas maraming tao na may kakayanan sa iba’t ibang lugar.

Nangako ang BP One Foods Inc. na aktibong suportahan ang reintegrasyon ng mga dating PDL sa pamamagitan ng makabuluhang oportunidad ng empleyo. Kinikilala din nito ng importansiya ng pagkakaloob ng suportadong lugar ng trabaho na magpapalago at magpapaunlad sa pagbabago o reporma ng PDL.

Nagpasalamat si sa Catapang ang BP One Foods Inc. sa pangungunang magbigay ng napaakagandang oportunidad sa buhay ng mga dating PDLs upang isulong ang pagkakaisa ng lipunan at pagkakataong gamitin ang kanilang kakayanang natutunan habang sila ay nakakulong, na parte ng kanilang repormasyon.

Bukod sa BP One Foods Inc., sinabi ni Catapang na nagpahayag din ng pagnanais ang San Miguel Corporation na pinamumunuan ni Ginoong Ramon Ang na tanggapin sa trabaho ang mga dating PDLs na nakapagtapos ng college degree courses ng University of Perpetual Help System Dalta – Bilibid Extension School (UPHSD-BES) program.

“This is only the beginning of BuCor’s strengthened partnership with the business sector. We intend to pursue more of this collaboration to empower and enable former PDLs to build productive lives and make positive contributions to their communities,” sabi ni Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *