Lumang baggage handling system sa NAIA papalitan ng mas bago at moderno na ayon sa NNIC

Lumang baggage handling system sa NAIA papalitan ng mas bago at moderno na ayon sa NNIC

Tiniyak ng bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na New NAIA Infra Corp. (NNIC) na tinutugunan na nito ang problema sa baggage handling system sa Terminal 3 ng paliparan.

Ayon sa NNIC, nakikipag-ugnayan itp sa Cebu Pacific kasunod ng pag-malfunction ng baggage handling system sa nasabing terminal na nagdulot ng delay sa pagproseso ng checked-in luggage ng mga pasahero.

Para maibsan ang epekto nito sa mga biyahero, nagdagdag na ng tao ang NNIC at Cebu Pacific upang mas mapabilis ang baggage processing.
Nagpatupad na din ng alternatibong sistema at protocols.

Ayon sa NNIC, ang nasabing insidente ay patunay ng na kailangan ng agarang upgrade sa mga imprastraktura sa NAIA.

Simula ng mag-take over ang NNIC noong September 14, agad inumpisahan ang proseso ng pag-modernize sa mga pasilidad at critical systems sa NAIA.

Kasama sa top priority ang pagpapalit sa 20-taon nang baggage handling system.

Ayon sa NNIC, nakabili na ito ng bago at advanced system kaya inaasahang maiaayos ang problema sa lalong madaling panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *