Police visibility pinadodoble ng DILG sa panahon ng Undas at Pasko
Pinadodoble ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga kalsada ngayong panahon ng Undas at Pasko.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Remulla na bagaman hindi nagkaroon ng pagtaas ng krimen tuwing Undas sa nakalipas na limang taon, mas makabubuting maging alerto pa rin ang PNP.
Ayon kay Remulla, ang kailangang bantayan ng PNP ang panahon ng Pasko dahil karaniwang tumataas ang kaso ng krimen.
Halimbawa na ang pagdami ng mga mandurokot, snatcher, magnanakaw at iba pa.
Partikular na pinatutukan ni Remulla sa PNP ang mga matataong lugar gaya ng malls, Light Rail Transit (LRT), at Metro Rail transit (MRT).
Ginawa ni Remulla ang pahayag matapos ang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (CY)