Flying Squirrel nailigtas sa Cotabato
Isang adult male Flying Squirrel ang dinala ng isang residente sa mga tauhan ng Apo Natural Park Protected Area Management Office (MANP PAMO) sa Cotabato.
Ang flying squirrel ay agad dinala sa Kidapawan City Veterinarian Office para sumailalim sa health evaluation.
Batay sa assessment, maayos ang kondisyon nito at maaaring ibalik sa kaniyang natural habitat.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kamakailan ay pinakawalan ang flying squirrel sa Strict Protection Zone (SPZ) ng Mt. Apo Natural Park.
Ang nasabing lugar ay ligtas para sa mga hayop dahil sa mas mababang human interference, at pagkakaroon ng undisturbed habitat. (DDC)