Pagiging full capacity ng dalawang ospital sa Maynila hindi dahil sa outbreak ng anumang sakit – LGU

Pagiging full capacity ng dalawang ospital sa Maynila hindi dahil sa outbreak ng anumang sakit – LGU

Itinanggi ng Manila City LGU na outbreak ng sakit ang dahilan ng pagka-puno ng dalawang public hospitals sa Maynila.

Noong araw ng Linggo kapwa naglabas ng abiso ang Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center na sila ay full capacity na.

Tiniyak ni Manila Mayor Mayor Honey Lacuna na sa kabila nito, walang itinataboy o tinatanggihang pasyente ang dalawang ospital.

Sinabi ng alkalde na tuloy ang pagtanggap ng pasyente ng dalawang pagamutan lalo na kung emergency cases.

Ang ibang pasyente naman ay tinutulungan na mai-refer sa ibang public hospital para agad matugunan ang pangangailangang medikal.

Bagaman laging handang tumanggap ng mga pasyente, sinabi ni Lacuna na kailangan ding ikonsidera ang space limitations ng pagamutan para mapanatili ang kalidad ng pangangalaga sa mga maysakit.

Ipinaliwanag ni Lacuna na hindi outbreak ng anumang sakit ang dahilan ng pagiging full capacity ng dalawang ospital.

Una ng nagpalabas ng abiso ang Manila Public Information Office (PIO) kung saan pinapayuhan ang mga pasyente na sa ibang ospital muna magtungo para maiwasan ang mahabang waiting time at agad silang matugunan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *