Mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Kristine pinag-iingat ng DA
Inabisuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Kristine na anihin na ang kanilang mga pananim.
Sa inilabas na bulletin ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Section, maari ng magsagawa ng maagang pag-ani sa mga mature crops.
Pinayuhan din ang mga magsasaka na tiyaking nasa maayos na lugar ang kainlang seed reserves, planting materials at iba pang farm inputs.
Pinayuhan din ng DA ang mga mangingisda na hangga’t maaari ay iwasan muna ang paglalayag lalo na sa mga lugar na nakararanas na ng malakas na hangin at alon.
Tiniyak ng DA na patuloy iyong maglalabas ng update kaugnay sa bagyong Kristine. (DDC)