P1.572M na halaga ng high-grade marijuana nakumpiska sa Clark
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port ang 1.48 grams ng High-Grade Marijuana na itinago sa mga damit.
Isinailalim sa inspeksyon ng BOC katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kargamento dahil sa kahina-hinalang imahe na nakita sa X-ray Inspection.
Idineklara ang kargamento na naglalaman ng Men’s Track Suit at Polyester Men’s Cotton Shorts.
Sa isinagawang physical examination, nakita ang apat na vacuum-sealed pouches na naglalaman ng high-grade marijuana o “Kush” na nagkakahalaga ng P1.572 million.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention para sa shipment dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165. (DDC)