P850K shabu at rifle nakumpiska sa Makati drug bust
Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit, DID, DMFB , Makati City Police Station-DEU, Police Sub-Station 3, at PDEA-SDO ang ₱850,000 na halaga ng umano’y shabu at baril habang naaresto ang dalawang high-value individuals (HVIs), sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pio Del Pilar sa lungsod kaninang ala-1:20 ng madaling araw.
Ayon sa report ng SPD sangkot umano sa drug pushing activities ang mga suspek na kinilalang sina alyas Toy, 26-anyos at alyas Jhian, 22-anyos.
Narekober ng otoridad sa operasyon ng 125 gramo ng hinihinalang shabu at isang M4 long firearm.
Ang nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa SPD Forensic Unit (SPDFU) para isailalim sa chemical analysis.
Sasampahan si alyas Toy ng kasong paglabag sa Section 5, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) habang kakasuhan si alyas Jhian ng paglabag sa Section 11, Article II of Republic Act 9165. (Bhelle Gamboa)