Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Catanduanes at Camarines Norte suspendido dahil sa bagyo

Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Catanduanes at Camarines Norte suspendido dahil sa bagyo

Suspendido ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa lalawigan ng Catanduanes at Camarines Norte dahil sa bagyong Kristine.

Ayon sa abiso ng Coast Guard Station Catanduanes, hindi muna papayagan ang pagbiyahe ng lahat ng uri ng mga sasakyang pandagat sa buong lalawigan.

Samantala, sa Camarines Norte, suspendido muna ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat na ang sukat ay 250 GT pababa.

Ang bagyong Kristine ay huling namataan ng PAGASA sa layong 890 Kilometers East ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *