“Bakuna Eskwela” inilunsad sa Baguio City National HS
Pormal nang inilunsad ng Department of Health-Center for Health Development-Cordillera Administrative Region (DOH-CHD-CAR) ang “Bakuna Eskwela” sa Baguio City.
Katuwang ang Department of Education (DepEd) at ang Baguio City Health Services Office (CHSO) inilunsad ang Bakuna Eskwela Program sa Baguio City National High School.
Layunin ng programa namabigyan ng proteksyon ang mga mag-aaral sa mga vaccine-preventable diseases (VPDs), gaya ng Measles-Rubella, Tetanus, at Diphtheria.
Sa paglulunsad ng programa, 615 na Grade 7 students ang tumanggap ng bakuna. (DDC)