Kaso ng leptospirosis tumaas ayon sa DOH

Kaso ng leptospirosis tumaas ayon sa DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas sa mga bagong kaso ng Leptospirosis sa buong bansa.

Ayon sa DOH, simula September 8 hanggang 21, may naitalang 774 na bagong kaso ng sakit, higit doble ng 381 new cases na naiulat ng DOH mula August 25 hanggang September 7.

Ayon sa datos ng ahensya, lahat ng rehiyon sa bansa maliban lamang sa Central Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at Caraga ay nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo.

Nakapagtala din ng 509 na nasawi na 11% na mas mababa kumpara sa 570 deaths na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, hanggang noong October 5, 2024 ang total Leptospirosis cases na naitala sa bansa ngayong taon ay umabot na sa 5,835.

Ito ay 6% na mas mataas sa 5,050 cases sa parehong petsa noong 2023.

Ayon kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa, dahil inaasahan pa ang mga papg-ulan sa susunod na mga araw, dapat maging maingat ang publiko sa paglusong sa baha.

Mas mainam aniyang magsuot ng closed at protective footwear, at agad hugasan ang parte ng katawan na na-expose sa tubig baha. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *