LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
Mababa pa ang tsansa na maging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
As of 8:00AM ngayong Biyernes, Oct. 18, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,885 kilometers East ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nakaaapekto sa Mindanao.
Dahil sa ITCZ, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur. (DDC)