Adjusted operating hours sa mga mall sa Metro Manila ipatutupad simula Nov. 18

Adjusted operating hours sa mga mall sa Metro Manila ipatutupad simula Nov. 18

Simula sa November 18 hanggang December 25, 2024 ay ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang adjusted operating hours sa mga mall sa Metro Manila.

Layunin nitong mabawasan ang pagsisikip sa daloy ng traffic dahil sa holiday rush.

Ayon sa MMDA, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2024, napagkasunduan na i-adjust sa alas-11 ng umaga ang pagbubukas ng mall habang palalawigin ang oras ng kanilang operasyon hanggang alas-11 ng gabi.

Pinagsusumite rin ang mga shopping mall operators ng traffic management plan dalawang linggo bago ipatupad ang kanilang mall sale at promotional events.

Gagawin namang alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang oras ng deliveries, maliban sa mga produktong madaling masira tulad ng pagkain.

Ang pagdaraos ng mall-wide sale ay lilimitahan lamang tuwing weekend bagaman maaari silang magsagawa ng individual store sales sa loob ng mga mall.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, kailangan nang ilatag ang mga plano at hakbang habang maaga dahil sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan sa Metro Manila habang papalapit ang holiday season. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *