Mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong lead, nagkalat sa mga pamilihan
Ngayong papalapit na ang holiday season, hinikayat ng toxic watchdog na BAN Toxics ang pamahalaan na magsagawa ng market inspections dahil laganap na naman sa mekado ang mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong lead.
Sa isinagawang market monitoring ng grupo kamakailan, laganap na ngayon ang nagbebenta ng mga laruan dahil inaasahan ang marami na ang mamimili ng pannregalo sa Pasko.
Simula noong buwan ng Setyembre, nakabili ang BAN Toxics ng iba’t ibang uri ng laruan sa mga tindahan sa Maynila, Pasay City, at Quezon City.
Kabilang dito ang toy cars, toy trucks, dolls, musical instruments, robots, battery-operated toys, toddler squeaky toys, food-shaped toys, kitchen at dinner sets, at marami pang iba.
Ang mga nabiling laruan ng grupo ay pawang lumalabag sa Republic Act (RA) 10620, o Toy and Game Safety Labeling Act of 2013 dahil sa kawalan ng karampatang labelling.
“We are calling on the Food and Drug Administration (FDA) and the Department of Trade and Industry (DTI) to prevent exposing our children to unsafe toys that may contain toxic chemicals such as lead. The lack of proper labeling alone should be reason enough for them to conduct inspections,” ayon kay Thony Dizon, BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer.
Sa 50 sample toys na sinuri ng BAN Toxics gamit ang Chemical Analyzer, 41 ang nakitaan na ng lead, at ang antas ay umaabot sa 16 parts per million (ppm) hanggang 4,600 ppm.
Ang lead ay nakalalasong metal at ang pagkakalantad dito ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan lalo na ng mga bata. (DDC)