Panunumpa ng mga bagong opisyales ng RFPTA sa bayan ng Real sa Quezon matagumpay na naidaos

Panunumpa ng mga bagong opisyales ng RFPTA sa bayan ng Real sa Quezon matagumpay na naidaos

Naging makabuluhan at masayang isinagawa ang pormal na panunumpa ng mga bagong halal na mga opisyales ng Real Federation of Parents and Teachers Association sa Bayan ng Real, Quezon noong Biyernes, October 11, 2024.

Sa harap ni Mayor Bing Diestro-Aquino nanumpa si JR Narit, isang broadcast journalist ng Ronda Balita Probinsya, Producer ng Leader News Philippines, reporter ng Infinite FM Radio Nationwide at ng news website na News Flash PH na siyang bagong halal na Pangulo ng samahan.

Kasama sina RFPTA Vice President Ms. Sheryll Luz Miras, Secretary Ms.Caroline Resplandor, Treasurer Ms. Jean Kaila Calleja at ang mga appointed officials na sina Auditor Mr. Rizaldy Jardino, Disbursing Officer Ms. Snooky Lora at Collection Officer Ms. Janet Patambang ganun din sa lahat ng mga pangulo ng bawat paaralan at miyembro ng School PTA Officers.

Nahalal din si Mr. JR Narit bilang Vice President sa pangkalahatan sa buong probinsya ng Division of Quezon Federated of Parents and Teachers Association.

Pormal ding itinurn-over ni dating RFPTA President Konsehala Julie Ann Orozco Macasaet ang kanyang pwesto na siyang dating Pangulo ng RFPTA school year 2023-2024 sa mga bagong opisyales nito.

Nakiisa rin na dumalo sa naturang kaganapan na sina Vice Mayor Doyle Joel Marquita Diestro ,Konsehal Seth Almonte, Real District PSDS Ma’am Ireen Aveno, mga principal ng bawat paaralan, mga guro at ganun din sa iba pang sumaksi sa nasabing aktibidad.

Sa naging mensahe ni JR Narit, inilahad nito ang kanyang mga mungkahi na pinagtibay ng samahan na paiigtingin pa lalo ang mga magagandang kultura at asal sa bawat paaralan partikular na sa mga estudyante katuwang ang mga magulang na maituro sa bawat paaralan ang maayos na pagpalaki ng mga anak na merong respeto sa kapwa at maging magalang sa kanilang mga guro ganun din sa mga nakatatanda.

Kabilang din sa mga isusulong ng samahan ang Mobile Journalism Workshop upang maging mahasa ang mga kabataan sa pagsusulat pagdating sa aspeto ng Journalism at Broadcasting ganun din ang makabagong sistema ng video editing na magamit ang mga ito sa anumang events ng bawat school.

Ayon kay Mr. Narit, madami siyang natuklasang samu’t saring problema sa mga magkakaibang paaralan sa naturang bayan lalo na ang mga pasilidad nito na kailangang pagtutuunan ng pansin ng nasyunal na pamahalaan upang maging maginhawa ang pagpasok ng mga mag-aaral na kahilingan nitong magkakaroon sila ng karagdagang school building.

Pinasalamatan din ni Pangulong Narit si DepEd Secretary Sonny Angara sa agarang aksyon nito na makita ang kalagayan ng paaralan ng Ungos Integrated National High School sa pamamagitan ng DepEd Quezon at ng DPWH First Engineering office na agad itong nagtungo sa lugar para sukatin ang lupa para sa pagtatayuan ng bagong gusali katuwang din ang Provincial Government of Quezon at si First District Cong. Mark Enverga na nagpupursige sa mababang kapulungan ng kongreso na maisama sa budget ng DepEd sa taong 2025 upang maisakatuparan ang nasabing kahilingan.

Umaasa naman ang samahan na sana’y matupad ang kanilang mga kahilingan ng bawat paaralan na maisaayos nito ang mga pampublikong paaralan alang-alang sa kapakanan ng mga learners. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *