DFA Sec. Manalo bibisita sa Thailand
Magkakaroon ng Official Visit sa Thailand si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo.
Sa pahayag ng DFA, magtutungo si Manalo sa nasabing bansa sa Oct. 18 at ito ang magiging unang official visit niya sa Kingdom of Thailand.
Inimbitahan si Manalo ni His Excellency Maris Sangiampongsa, Minister of Foreign Affairs ng Thailand.
Sa gagawing pagbisita, magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang Foreign Ministers at pamumunuan ang Ministerial Meeting ng 6th Philippines-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation.
Ngayong taon ay gugunitain ng Pilipinas at Thailand ang 75th anniversary ng pagkakatatad ng diplomatic relations ng dalawang bansa. (DDC)