Internet sa lahat ng terminal sa NAIA mas mabilis na

Internet sa lahat ng terminal sa NAIA mas mabilis na

Mas mabilis na ngayon ang internet sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa pahayag ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), available na para sa mga pasahero ang mas mabilis at reliable na free Wi-Fi.

Kasunod ito ng ginagawang upgrade sa internet connectivity ng bagong operator ng NAIA na NNIC.

Ayon sa NNIC, ang average internet speeds sa NAIA terminals ngayon ay aabot na sa 50 to 60 Mbps at ang peak speeds ay umaabot sa 115 Mbps.

Sa datos ng NNIC, mayroong 1,000 users per hour ang gumagamit sa “NewNAIA” free Wi-Fi network sa lahat ng terminal.

Magagamit ng mga pasahero ang free Wi-Fi sa loob ng tatlong oras, mas mahaba kumpara sa daitng two-hour limit.

Una nang nakipagkasundo ang NNIC sa PLDT/Smart at Converge para maging Wi-Fi providers sa NAIA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *