Seguridad para sa APMCDRR 2024 tiniyak ng SPD

Seguridad para sa APMCDRR 2024 tiniyak ng SPD

Tinitiyak ng Southern Police District sa pamumuno ni District Director, Brigadier General Bernard R. Yang, ang kaligtasan at seguridad ng mga dumadalo sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR 2024), na binuksan kahapon, Oktubre 14 sa Philippine International Convention Center (PICC) hanggang Oktubre18, 2024.

Bilang tugon sa mahalagang internasyunal na kaganapan, dineploy Ng SPD ang 269 na tauhan nito na inatasan sa Multi-Agency Coordinating Center (MACC), Police Assistance Desks, venue and perimeter security, at mobile patrols.

May specialized units din na nakaantabay SA lugar kabilang ang medical teams at EOD/K9 units para siguruhin ang komprehensibong seguridad.

Bago mag-umpisa ang kumperensiya, sinalihan ng SPD ang serye ng critique sessions ng STG Metro Manila Coordinating Conference for APMCDRR 2024 na sinalihan Ng mga ahensiya ng pamahalaan kung saan iprinisinta ang Security and Deployment Plan ng SPD.

Bukod dito, pinangunahan din ni BGen Yang ang serye ng inspeksyon ng MACC at mga erya sa PICC para tiyakin ang paghahanda.

Ang APMCDRR 2024 conference na may temang “Surge to 2030: Enhancing ambition in Asia-Pacific to accelerate disaster risk reduction,” ay magbibigay ng mahalagang plataporma upang pag-aralan ang risk reduction efforts, pagbabahagi Ng inobasyong mga solusyon at tugunan ang mga pangako na layuning maibsan ang banta ng kalamidad sa 2030 sa isa sa mga most disaster-prone regions sa daigdig.

Upang masiguro ang zero-incident outcome SA kasagsagan Ng kaganapan, inatasan nni BGen Yang ang LAHAT ng kanyang tauhan na manatiling mapagmatyag sa kani-kanilang kinatatalagahang lugar at suportahan ang kanilang kabaro partikular ang mga nakadestino sa Police Assistance Desks, billets, at route deployments.

“The goal is to maintain a zero-crime rate throughout the duration of the conference,” ayon sa SPD chief . (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *