47,449 mula sa mahigit 329,000 examinees nakapasa sa idinaos na Civil Service Exams noong Agosto
Umabot sa 47,449 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na idinaos sa buong bansa noong August 11, 2024.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC) 42,812 examinees o katumbas ng 14.43 percent ng kabuuang 296,758 total candidates ang pumasa sa CSE Professional Level.
Para naman sa CSE Subprofessional Level, 4,637 o 14.18 percent ng 32,707 examinees ang nakapasa.
Ang National Capital Region (NCR) ang nakakuha ng highest passing rate na 18.96 percent kung saan 8,242 ang pumasang examinees.
Kasunod ang Region III na may 18.73 percent at Region IV na mayroong 17.56 percent.
Ang listahan ng mga nakapasa ay makikita sa Examination Results widget sa kaliwang bahagi ng CSC website o kaya ay sa CSC Examination Portal.
Ang mga kumuha ng pagsusulit, nakapasa man o hindi ay maaaring makakuha ng kopya ng kanilang test result sa Online Civil Service Examination Result Generation System. (DDC)