Walang “sacred cow” sa mga pulis na mapatutunayang guilty sa EJK – Remulla

Walang “sacred cow” sa mga pulis na mapatutunayang guilty sa EJK – Remulla

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na walang ibibigay na special treatment sa mga pulis na sangkot sa Extra Judicial Killings (EJK).

Ayon kay Remulla, sinumang mapatutunayang guilty ay paparusahan sa ilalim ng batas.

“There will be no special treatment. They will not be accorded special privileges,” ayon sa kalihim.

Wala aniyang makaliligtas at mahaharap sa full extent of the law ang sinumang pulis kung sila ay guilty sa krimen.

Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng testinomnya ni dating police colonel Royina Garma kung saan sinabi nitong sangkot ang ilang police officers EJKs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, umabot sa 6,252 na katao ang nasawi sa mga ikinasang anti-illegal drugs operations mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2022 sa ilalim ng war on drugs ng Duterte adim.

Naniniwala naman si Remulla na mahalaga pa ring dumaan sa due process ang mga alegasyon laban sa mga pulis.

“We have to understand that they are innocent until proven guilty. So, we must not judge them already according to testimonies. They have to go through the process,” ayon pa sa kalihim.

Sinabi ni Remulla na hihintayin ng DILG ang kahihinatnan ng pagdinig ng Kamara at kung ano ang magiging rekomendasyon ng Quad Comm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *