Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 75 kilometers northeast ng bayan ng Hinatuan, 7:42 ng umaga araw ng Martes (Oct. 15).
May lalim na 13 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na naitala sa Surigao del Sur noong Dec. 2023. (DDC)