Mas maraming adult Filipinos ang Pro-Marcos ayon sa survey ng OCTA Research

Mas maraming adult Filipinos ang Pro-Marcos ayon sa survey ng OCTA Research

Lumabas sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research para sa ikatlong quarter ng 2024 na 38% ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang administrasyon.

Tumaas ito ng 2% mula sa survey na isinagawa noong Marso ng parehong taon.

Samantala, 15% ng mga Pilipino ang nagpapahayag ng suporta sa pamilyang Duterte at sa kanilang political allies.

Habang 7% naman ang sumusuporta sa oposisyon.

Tinatayang 26% naman ng mga Pilipino ang hindi nagpapakilala bilang pro-Marcos, pro-Duterte, o tagasuporta ng oposisyon.

Bumaba ito ng 5% mula sa resulta ng ikalawang quarter ng parehong survey. (Jerwin Quitaneg – Correspondent)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *