Olympian Hergie Bacyadan wagi ng gitong medalya sa 2024 Asian Kickboxing Championship sa Cambodia
Nagwagi ng gintong medalya ang Olympian na si Hergie Bacyadan sa 2024 Asian Kickboxing Championship na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia.
Ito ay makaraang talunin ni Bacyadan ang pambato ng China na si Jinwei Teng sa women’s K1 – 70 kilogram division.
Nagwagi si Bacyadan via “abandonment” matapos umatras ang kaniyang kalaban.
Sa semifinals, una ng tinalo ni Bacyadan si Raksa Samnang ng Cambodia matapos itong mapatumba ng 3-beses.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) mayroon nang 4 golds at 7 bronze medals ang Philippine Kickboxing Team sa nasabing tournament.
Nagwagi din ng gintong medalya si Carlo Von Buminaang sa male Low Kick 67kg.
At dalawang gintong medalya din ang nakuha ni Jovan Medallo para sa Musical Form with Weapon at Musical Open Hand. (DDC)