Renovation at safety upgrade sa NAIA Terminal 4 tatagal ng 3-buwan

Renovation at safety upgrade sa NAIA Terminal 4 tatagal ng 3-buwan

Kinumpirma ng bagong pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sasailalim sa tatlong buwang renovation at safety upgrade ang NAIA Terminal 4.

Ayon sa pahayag ng New NAIA Infra Corporation o NNIC, sisimulan ang renovation sa November 6, 2024.

Ayon sa NNIC, ang Terminal 4 ang pinakalumang terminal ng NAIA kaya kailangang isagawa ang renovation para mas mapabuti ang passenger experience.

Inaasahang matatapos ang renovation sa February 2025.

Sa ngayon, ang Terminal 4 ay ginagamit para sa 12 daily flights ng AirSWIFT, 2 daily flights ng Sunlight Air at 36 na daily flights ng CebGo.

Sa datos ng NNIC, aabot sa 2,900 na pasahero kada araw ang naseserbisyuhan ng terminal.

Habang ginagawa ang renovation, lahat ng flights na maaapektuhan ay ililipat sa Terminal 2. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *